POGO HUBS IDINEPENSA NG PAGCOR

pagcor44

(NI HARVEY PEREZ)

IPINAGTANGGOL ng  Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ,ang plano nilang  ilipat sa mga hubs ang operasyon ng  Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) .

Ipinaliwanag ni Pagcor chairat CEO Andrea Domingo, layunin ng mga hubs na mai-improve ang monitoring  at regulatory capabilities ng Pagcor sa  operasyon ng POGO.

Bukod pa sa para  mabigyan ng kahalagahan ang karapatan at kaligtasan ng mga dayuhang manggagawa sa bansa tulad ng kagustuhan ng pamahalaan na matiyak ang kaligtasan ng mga overseas Filipino workers na nagtatrabaho sa mga ibang bansa.

Ginawa ni Domingo ang pahayag matapos ang  reaksiyon ng Chinese Embassy kaugnay sa sinabi ni Pagcor Special Assistant to the Chair Jose Tria  sa paglilipat ng lahat ng POGO operations sa isang hubs sa sandaling magkaroon na ng sapat na akreditasyon.

Sinabi ni Domingo, obligado ang POGO operators na  i-develop ang bilang ng isang opisina, residential spaces, food establishments, grocery o convenience stores, wellness and recreational facilities, service shops at iba pa nilang pangangailangan ng mga manggagawa na nasa hubs.

Gayundin, obligado sila na magbigay ng tanggapan sa Pagcor na tututok sa kanilang operasyon.
Nabatid na ang mga naturang hubs din ang tutugon sa matagal nang mga concern idinudulog sa Pagcor.

Kasama na ang reklamong hindi pagkakaloob ng mga  mga employer ng maayos na working environment , sub-standard living quarters at parang mga alipin ang mga dayuhang workers.

Gayundin para mabilis na maaksyunan ang mga ginagawang  mga krimen  laban sa mga foreign workers na kalimitan nabibiktima ng  theft, robbery, extortion at kidnapping gayundin ang mga reklamo ng mga  Filipino community kaugnay sa hindi magandang asal ng mga dayuhang workers.

Bukod pa sa  pagkakadiskubre rin na ang mga dayuhang workers ay walang sapat na dokumento at ang kanilang  dapat na bayaran na buwis sa pamahalaan ay hindi nai -iremit ng kanilang dayuhan na employer.

Inihalintulad ng Pagcor ang mga hubs sa “self-contained communities kung saan walang restriction na ipatutupad sa personal na karapatan o kalayaan ng mga dayuhang manggagawa.

Hindi rin kukumpiskahin ng Pagcor ang kanilang mga pasaporte sa halip bubuksan ng Pagcor ang kanilang tanggapan sa mga hub 24/7 para tumanggap ng mga reklamo sa mga dayuhang manggagawa.

Una nang sinabi ni Senador Win Gatchalian, wala sa hulog ang plano ng Pagcor na  ilipat sa mga hub ang mga Chinese na nagtatrabaho sa POGO.

Ayon sa senador, sablay ang planong ito ng Pagcor at sa halip umanong itago ang mga ito, mas nainam na habulin ang mga POGO operator at mga kawani nito sa pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Sinabi ni Pagcor chairman at executive officer Andrea Domingo na balak ipunin sa mga hub sa Clark, Pampanga at Kawit, Cavite ang mga Chinese worker para maging ligtas sila sa mga kriminalidad sa Metro Manila.

Ito’y bunsod na rin umano ng natatanggap ng reklamo ng mga Pinoy hinggil sa kabastusan ng mga Chinese na nagtatrabaho sa mga POGO.

Pinalagan naman ito ng Mala­cañang sa pagsabing labag ito sa Revised Penal Code.

268

Related posts

Leave a Comment