(NI ABBY MENDOZA)
NAIS ng Bayan Muna na rebyuhin ang impact ng Philippine Offshore Gaming Operations(POGO) sa ekonomiya at national security.
Ang hakbang ng Bayan Muna ay kasunod na rin ng ilang seryosong problema sa operasyon ng POGO.
Ayon kay Bayan Muna Rep Isagani Carlos Zarate, bagama’t may dagdag revenue na nakukuha sa operasyon ng POGO ay hindi naman ito nasisingil nang maayos gayundin ang pagkakaroon ng lapses sa pagmomonitor sa pagbibigay sa mga ito ng work permits.
“There are also related serious issues of money laundering, usury or loan sharking, illegal immigration, human trafficking and other crimes,” paliwanag ni Zarate.
Samantala, kinuwetiyon naman ng House Committee on Games and Amusement ang magkakaibang datos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Bureau of Immigration(BI) at Department of Labor and Employment (DOLE) patungkol sa dami ng manggagawa na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Sa pagdinig ng komite sinabi ng Immigration na 39,831 ang inisyuhan nila ng working visas simula October 31, habang nasa 4,967 ang nabigyan ng provisional work permits na maaaring makapagtrabao sa loob ng 6 na buwan.
Sa datos naman ng DOLE ay sa ikalawang quarter ng taon ay nakapag-isyu na sila ng alien employment permits sa may 86,537 POGO workers.
Giit naman ng PAGCOR nasa 92,897 foreign POGO workers ang nagtatrabaho sa bansa base sa kanilang datos.
Kinuwestiyon ni House Committee on Games and Amusement Vice Chairman Elpidio Barzaga ang magkakaibang datos, aniya, dapat ay may pare-parehong datos ang tatlong ahensya.
“I would just request these three government agencies to justify their figures and to show what went wrong. Because, theoretically, you must have the same numbers,” giit ni Barzaga.
246