(NI ABBY MENDOZA)
SIMULA sa Enero 2020 ay iisyuhan na ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) ng Gaming Employment License (GEL) identification cards ang lahat ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay House Committee on Games and Amusement Vice Chairperson at Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong, mahalagang mayroong mga ID ang mga POGO worker para na rin sa kanilang proteksyon at mamonitor sa harap na rin ng pagdami ng foreign workers.
“We cannot pretend anymore that POGO industry is small. We should have a system to monitor them. That’s why we are pushing for the GEL ID.
The issuance of these IDs would also help the Bureau of Internal Revenue (BIR) in its tax mapping for the POGO sector,” pahayag ni Ong.
Sa datos ng Department of Finance ay may 138,000 dayuhan na nagtatrabaho sa POGO.
Maliban sa GEL ID ay bibigyan din ng Filipino culture education ang mga POGO workers upang mabigyan ito ng kaalaman sa pamumuhay ng mga Filipino.
Ani Ong, hindi maitatanggi na may mga POGO workers ang umaasta na parang nasa kanilang sariling bansa ang mga ito, habang nasa Pilipinas ay dapat din silang makibagay at sumunud sa patakaran at umasal ng maganda.
Pinuna ni Ong na may mga POGO worker ang inirereklamo dahil dumudura kung saan saan at hindi pumipila sa mga taxi lane.
“Kung ang mga Pinoy nga kapag nasa ibang bansa takot na magkamali dahil baka makulong , ganito din dapat sa mga foreign workers, paalala lang natin umasta sila ng naaayon,” pagtatapos pa ni Ong.
199