(NI DANG SAMSON-GARCIA)
NANINIWALA si Senador Joel Villanueva na muling napatunayan na nagagamit ng mga sindikato ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) upang maging pugad ng kriminalidad sa Pilipinas.
Ito ay sa pagkakaaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa 277 Chinese nationals sa isang gusali sa Pasig City.
“This incident is a clear indication of how PAGCOR, the erstwhile state gambling regulator, continues to fail in its mandate to maintain checks in this sector that, to our mind, has brought more harm than good,” saad ni Villanueva.
Iginiit ni Villanueva na ang presensya ng kinatawan ng Chinese embassy sa raid ay patunay din ng sinseridad ng gobyerno sa pagtugis sa mga pugante sa kanilang bansa.
“We have heard the Chinese government’s call to stop the operations of POGOs in the country as gambling is illegal in their nation. Any supposed benefits from this sector are fruits of a poisoned tree,” diin ni Villanueva.
Iginiit ng senador na habang pinapayagan sa Pilipinas ang mga POGO, magpapatuloy ang anya’y cat and mouse game ng mga law enforcement agencies at labor regulators sa paghahabol sa mga undesirable aliens.
Nangako naman ang senador na ipagpapatuloy ang kanilang hearing sa POGO sector upang matukoy ang mga taong nakikinabang dito.
255