POGOs POSIBLENG MAGAMIT SA DROGA, MONEY LAUNDERING

(NI BERNARD TAGUINOD)

NABABAHALA si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na dahil sa mga kolurum na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), posibleng magamit itong front ng mga money launderer, international drug syndicate at criminal gangs para maging legal ang perang kinikita ng mga ito sa ilegal na paraan.

Masamang epekto umano ito sa anti-money laundering at anti-drug at  criminality campaigns ng gobyerno kaya kailangang malaman umano kung sino ang mga nasa likod ng mga kolorum na POGO.

“This early, I call on our financial intelligence and law enforcement units of the PDEA, the NBI and the PNP to dig deeper into the personalities behind the gambling enterprise of both the POGOs and the casinos that were granted permits or license to operate by the Pagcor all over the country,” ayon pa sa chairman ng House committee on dangerous drugs.

Pinag-iingat din ng kongresisa ang Pagcor sa pagbibigay ng lisensya sa mga POGO operators upang hindi maisahan ang mga ito ng mga sindikato sa ibang bansa lalo na ang sindikato ng droga.

 

272

Related posts

Leave a Comment