POLITICAL KILLINGS SA BANSA DUMOBLE — PNP

killing

(NI JG TUMBADO/PHOTO BY EDD CASTRO)

DUMOBLE pa umano ang bilang ng mga nangyayaring patayan na may kaugnayan sa pulitika nitong taong 2018, ayon sa bagong datos na ipinalabas ng Philippine National Police (PNP).

Kumpara nitong nakaraang taong 2017 ay mas dumami pa ang krimen ng pamamaslang sa mga pulitiko o political killings dahil na rin umano sa nalalapit na 2019 midterm national elections sa darating na May, 13.

Ayon kay PNP spokesman Senior Supt. Bernard Banac, mula sa 19 na kaso na naitala noong 2017, umakyat ito sa 38 ng nakaraang taong 2018.

Nagkakaroon na aniya ng pattern sa bansa na karaniwang tumataas ang kaso ng patayan lalo na ang high profile cases tuwing papalapit ang panahon ng eleksyon.

“Puro high profile ang nangyayaring killings kasi nga mga politician ang involved. That’s why yung election laws, napakahigpit, like carrying of firearms, security o bodyguards, na nagko-contribute doon sa tension, private armies,” paliwanag ni Banac.

Kabilang sa mga napatay kamakailan ay sina General Tinio, Nueva Ecija mayor Ferdinand Bote, Trece Martires, Cavite mayor Alex Lubigan, Buenavista, Bohol mayor Ronald Tirol at Ronda, Cebu vice mayor Jonnah John Ungab at Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe.

Hindi pa naisasama ng PNP sa kanilang datos ang panibagong mga insidente ng pananambang na naitala sa ibat ibang lugar sa kamaynilaan na ang pinakahuli ay ang pagpatay kay dating Barangay Chairwoman na kumakandidatong kongresista sa lungsod Quezon na si Crisell Beltran.

136

Related posts

Leave a Comment