(NI BERNARD TAGUINOD)
NGAYONG inilabas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga politiko na sangkot umano sa ilegal na droga, magsisimula na ang “political assassination sa bansa.
Ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, bagama’t suportado umano ng mga ito ang kampanya kontra ilegal na droga, hindi ito pabor na maglabas ng pangalan ng mga sangkot sa ilegal na droga na walang matibay na basehan.
Nangangamba ang mambabatas na lalong dadanak ang dugo ngayong panahon ng eleksyon sa ginawa umano ng Pangulo lalo na’t karamihan sa mga pinangalanang politiko ay tumatakbo sa iba’t ibang posisyon.
“We cannot allow trial by publicity especially coming during an election season where political violence heightens. With the list out, it is now open season for political assassinations. It has now become game for political rivals to assume that death warrants have been served against their opponents,” ani Villarin.
Kasama sa 46 politiko na pinangalanan ni Duterte na sangkot umano sa ilegal nad droga ay tatlong incumbent congressman na sina Leyte 3rd District Rep. Vicente Veloso, Pangasinan 1st District Rep. Jesus Celeste at Zambales 1st Disctrict Jeffrey Khonghun.
IMPEACHABLE YAN….
Sinabi ng kongresista na inabuso ni Duterte ang kanyang kapangyarihan sa paglalantad ng pangalan ng mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga na pasok sa culpable violation of the Constitution.
“While the right to privacy is not absolute, there is no compelling reason for the state to violate it as we have a functioning court system where charges can be filed against these individuals. This could constitute an impeachable offense for culpable violation of the Constitution,” ayon kay Villarin.
Ang culpable violation of the Constitution ay isa sa mga elemento ng impeachment case kaya maaari umanong masampaha ng impeachment complaint ni Pangulong Duterte.
168