PONDO NG PCG SA 2024 DINAGDAGAN NG SENADO

KINUMPIRMA ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na itinaas nila ang panukalang pondo ng Philippine Coast Guard para sa susunod na taon.

Sa gitna ito ng mga pangangailangan ng PCG para sa pagtupad sa mandato nito partikular sa pakikipaglaban sa ating teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa deliberasyon sa panukalang pondo ng Department of Transportation, lumitaw na dinagdagan ng Senado ng P1.3 billion ang pondo ng PCG.

Kinumpirma naman ng sponsor ng panukalang pondo na si Senador Grace Poe na marami sa mga barko ng PCG ang hindi na magamit.

Ipinaliwanag ni Poe na ang bawat barko dapat ng PCG ay buwan-buwang sumasailalim sa pagsusuri upang agad makumpuni ang anomang sira at kailangan ding sumalang sa overhauling dalawang beses kada buwan.

Hindi naman tinutulan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang pagdaragdag ng pondo sa PCG kasabay ng pagkilala sa kahalagahan ng ahensya partikular sa usapin sa West Philippine Sea at iba pang mga pangyayari tulad ng katatapos na pandemya.

(DANG SAMSON-GARCIA)

87

Related posts

Leave a Comment