(NI BETH JULIAN)
NANINDIGAN ang Malacanang sa tuluyang pagpapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kapa Ministry International na sinasabing isang investment scam.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, malabong baguhin ng Pangulo ang kanyang direktibang pagpapasara sa Kapa kahit sa kabila ng panawagan at pakiusap ng ilang miyembro nito na huwag ipasara dahil nakatutulong ang mga ito sa kanila.
Giit ni Panelo, hindi mababago ang desisyon ng Pangulo dahil nanindigan ito na isang syndicated estafa ang aktibidad ng Kapa at malinaw na panloloko sa mga nabibiktima nila.
Isa pa, ayon kay Panelo, hindi maaring maikonsidera ang panawagan ng ilang miyembro nito dahil kaunti lamang ang kumokontra sa pagpapasara ng Kapa.
Inatasan din ng Malacanang ang NBI at CIDG na imbestigahan at tuluyang isara ang operasyon ng Kapa.
124