PRANGKISA NG MANILA WATER MALABONG MABAWI

manila water

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI manganganib ang prangkisa ng Manila Water kahit lumabag ito sa concession agreement dahil extended na ang kanilang lisensya hanggang 2037 sa Kongreso noong Pangulo pa si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Bayan Muna chair Neri Colmenares, malabo ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang concession agreement ng Manila Water dahil na-extend na ang kasunduan, 10 taon na ang nakakaraan.

Ang concession agreement ng Manila Water at Maynilad ay pinirmahan noong 1997 at mae-expire ito sa 2022 o tatlong taon mula ngayon subalit pinalawig na umano ng panibagong 15 taon.

“Yung extension noong 2009, under (President) Gloria Arroyo, 2022 pa mag-eexpire ang concession agreement inextend mo na for 15 years in 2009? Para sa akin, mayroon ano, its very anomolous extension,” ani Colmenares.

Kasama sa pinalawig umanong concession agreement ang Maynilad kaya kahit pumalpak pa umano ang mga ito ay mahirap na umanong bawiin ang kasunduang ito dahil hanggang 2037 na ang kanilang lisensya.

“Sinong Kongreso ang mag-aapproved ng extension long before the deadline. Malay mo, pumalpak ang Manila Water by 2019, e di na-extend na sya for another 15 yrs, wala ka ng magawa di ba. So yun na nga ang nangyari ngayon, pumalpak ang Manila Water. Eh pano yan, up to 15 years (pa extension),” ayon pa kay Colmenares.

Dahil dito, kailangan umanong habulin ang mga nasa likod ng pagpapalawig sa concession agreement ng Manila Water at Maynilad.

“There’s no such thing, as you extend the concession agreement long before the deadline. Kasi parang inano mo na ang public dyan eh, wala na kayong say kahit pumalpak pa siya sa 2020 iextend na namin sya,” ayon pa kay Colmenares.

 

218

Related posts

Leave a Comment