PRESYO NG COVID-19 TEST, PINARE-REGULATE

HINILING sa gobyerno ng isang mambabatas sa Kamara na i-regulate o kontrolin ang presyo ng COVID-19 test dahil overpriced umano ang sinisingil ng mga ospital at laboratoryo.

Ayon kay House deputy majority leader Bernadeth Herrera, hindi kakayanin ng mga ordinaryong mamamayan at maging ng mga employer ang P8,150 na sinisingil ng mga ospital at laboratoryo sa bawat Covid test.

“Eight Thousand One Hundred Fifty pesos (P8,150) is way too expensive and overpriced,” ani Herrera dahil ang testing kits lang umano ay P1,320 ang isa habang P2,000 ang laboratory fees.

Dahil dito, kailangan aniyang i-regulate na ng gobyerno ang singil sa COVID-19 test upang mas maraming masuri dahil ang nasabing halaga ay hindi umano kaya ng mga ordinaryong mamamayan na hindi makakakuha ng libreng test.

Kahit sagutin pa anya ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang P3,500 sa bawat test ay hindi pa rin umano kaya ng mga tao dahil nawalan ang mga ito ng kita sa nakaraang mahigit dalawang buwan.

Dahil dito, kailangang magtakda aniya ang gobyerno ng makatarungang presyo ng COVID-19 test para mas maraming masuri. BERNARD TAGUINOD

69

Related posts

Leave a Comment