PRESYO NG KAPE’T GATAS ITATAAS 

dti milk12

(NI ROSE PULGAR)

INIHAYAG ngayong Biyenres ng Department of Trade and Industry (DTI)

na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng ilang brand ng produktong ginagamit pang-araw-araw ng mamamayan.

Sa abiso ng DTI, kabilang sa mga itataas na brand ay ang gatas, kape at patis.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, pinayagan na ng kanilang ahensiya ang dagdag-presyo ngunit hindi pa ito maaaring ipatupad.

Sinabi ni Casteslo , simula kalagitnaan ng Hulyo pa puwedeng ipatupad ang mga bagong presyo na posibleng tumaas mula P0.50 hanggang P2 kada lata ang dagdag-presyo sa mga brand ng gatas na Alaska, Alpine, Carnation, Cow Bell, at Liberty.

Habang nasa P0.50 hanggang P0.85 naman ang inimahal ng kada pakete ng Lorins Patis.

Tataasan din ng P1 ang kada pakete ng Kopiko Black 3-in-1 na kape.

Ipinaliwanag pa ni Castelo na kada quarter o kada tatlong  buwan na lang puwedeng magbago ng Suggested Retail Price (SRP).

Samantala, ayon naman kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, dapat idaan sa public consultation ang mga susunod na galaw sa presyo ng mga bilihin.

Aniya, kinakailangang ipaalam sa publiko ang pagtataas o paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

225

Related posts

Leave a Comment