PRESYO NG LANGIS TATAAS MULI

AARAY na naman ang mga motorista sa nakatakdang pagdaragdag sa presyo ng langis ngayong linggo.

Inaasahang ipatutupad bukas ang oil price hike ng mga kumpanya ng langis.

Sa pagtaya ng fuel company na Unioil, maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.

Habang P0.40 hanggang P0.50 naman sa gasolina.

Mula May 5 hanggang June 27, 2020, aabot na sa P9.60 ang itinaas sa kada litro ng gasolina; P5.75 sa diesel at P8.50 sa kerosene. (DAVE MEDINA)

80

Related posts

Leave a Comment