PRESYO NG LPG TUMAAS

(NI ROSE PULGAR)

NAGPATUPAD ng malaking dagdag-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis sa bansa sa unang araw ng 2020.

Sa ipinalabas na advisory ng Petron Corporation, dakong alas- 12:01 ng hatinggabi nitong Enero 1, epektibo ang itinaas na P7.55 sa presyo ng kada kilo ng kanyang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P83.03 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG nito.

Bukod pa sa lpg, nagtaas din ang Petron sa kanilang Auto Xtend LPG sa P4.25,na kada litro na karaniwang ay ginagamit sa taxi.

Hindi naman nagpahuli ang Phoenix LPG Phils. Inc. na nagpatupad din nang kahalintulad na dagdag-presyo sa kanyang produktong Phoenix Super LPG at Auto-LPG.

Bandang alas- 6:00 ng umaga naman kahapon nagpatupad ang Solane ng P6.74 taas-presyo sa kanyang LPG o katumbas ng P74.14 sa bawat regular na tangke nito kasama na rito ang Value Added Tax (VAT).

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Samantala, kinondena naman ng mga magulang partikular na ang mga nanay at mga may-ari ng carinderia ang big-time LPG hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis dahil apektado sa kanilang pagba-budget sa unang araw ng 2020.

205

Related posts

Leave a Comment