PRICE CEILING SA MAINTENANCE MEDS, PINABORAN 

gamot

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

SUPORTADO ni Senador Sonny Angara ang ipinatutupad na price ceiling ng  Department of Health (DOH) sa ilang gamot, partikular ang mga maintenance medicines.

Sinabi ni Angara na sa pamamagitan nito mababawasan ang alalahanin ng mga consumer, partikular na ang mahihirap.

Isinama ng DOH ang 120 medicines sa saklaw ng maximum retail price (MRP) scheme upang maibaba ang presyo ng mga ito.

Kasama sa talaan ang mga gamot sa

hypertension, diabetes, cardiovascular, chronic lung diseases, neonatal diseases, renal disease, at major cancers.

Ito na ang ikalawang batch ng mga gamot na kasama sa MRP scheme sa ilalim ng Republic Act 9502 o Cheaper Medicines Act of 2008.

“Kung tama ang pag-aaral ng DOH na ‘generic drugs are still sold up to four times the international reference prices here and branded innovator products are sold up to 22 times higher,’ walang duda na makaturangan at makatao ang ganoong hakbang,” saad ni Angara.

“Ang pinamalaking component ng out-of-pocket health expenses ng pamilyang Pilipino ay gamot na aabot sa 50 percent,” dagdag ng senador.

Batay sa Philippine Statistics Authority, umabot sa P6,791 ang per capital health spending ng mga Pinoy noong 2017.

Batay sa populasyon na 104.9 million, ang total national health spending noong 2017 ay P713 billion.

Kasama rito ang household out-of-pocket spending na 54.5 percent o P373 billion at ang 50 percent o P187 billion ay para sa gamot.

“Kada isang Pinoy ay P1,779 ang ginagasta para sa gamot kada taon. Kaya nga ako, ipinaglaban ko na ang VAT sa sale of drugs and medicines prescribed for diabetes, high cholesterol, and hypertension ay burado na simula January 1, 2019.  Ito ay pinapatupad na batay sa RA 10963 o ang TRAIN law,” paliwanag pa ni Angara.

189

Related posts

Leave a Comment