PRICE FREEZE PAIIRALIN

duque21

MAGPAPATUPAD ng price freeze ang Department of Health (DoH) sa mga gamot at ilang medical commodities sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Nakasaad sa Department Memorandum 2020-005 ni Health Secretary Francisco Duque III na ang hindi pagbabago ng presyo o price freeze sa mga basic essential medicines ay ipatutupad sa mga lugar na lubhang tinamaan ng kalamidad sa Batangas at Cavite.

Kasama sa mga hindi magbabago ng presyo ay mga ’emergency medicine’ tulad ng paracetamol, antihistamine, antibiotics at anti-asthma.

Kasali rin ang face mask na tumaas ang demand dahil sa mga ashfall, pati ang dextrose at nebulizer.

Ayon sa ahensya, ang presyo ng N95 mask kada piraso ay P45 at hindi tataas sa P110.00, ang mga surgical mask naman ay dapat P1.00 hanggang P8.00 lamang ang presyo.

Ang kautusang ito ay inilabas ng DoH matapos ang reklamo ng biglang pagtaas ng presyo ng face mask at nagkaubusan pa ng stock ang iba. (DAHLIA S. ANIN)

274

Related posts

Leave a Comment