(NI ABBY MENDOZA)
DAHIL sa inaasahang Christmas rush, ngayon pa lamang ay iminumungkahi na ng isang mambabatas na ipagbawal ang mga pribadong sasayan sa kahabaan ng Edsa tuwing rush hour at hayaan na ang mga pampublikong sasakyan ang dumaan dito.
Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice bago pa tumindi ang trapiko sa Edsa dala ng Chistmas rush ay dapat nang ipatupad ang kanyang ipinapanukala at isagawa ito hanggang sa hindi natatapos ang MRT-3 rehabilitation, Metro Manila subway at ang northern at southern Luzon expressways.
Sa panukala ni Erice ay bawal dumaan sa Edsa ang mga private vehicles mula alas 6:00 hanggang alas 9 ng umaga at sa kaparehong oras sa gabi.
Nasa 300,000 private vehicles ang dumadaan sa Edsa araw araw habang 80,000 ang mga bus, wala pa umano sa bilang na ito ang iba pang public utility vehicles kaya malaking kagainhawahan sa mga manggagawa kung maaga silang makapapasok at makauuwi sa kanilang bahay at hindi matatatrapik.
“Mas maraming mamamayan natin ang makikinabang.Kailangan maihatid muna natin nang mas mabilis ang ating mga manggagawa at makauwi sila nang mas maaga,” paliwanag ni Erice.
Giit pa ni Erice na kahit doblehin o triplehin ang bilang ng mga PUVs na dumadaan sa Edsa ay mas magiging maluwag pa rin ito dahil maliit pa din ito kumpara sa dami ng mga private cars.
“More citizens would benefit from this proposal,” pahayag pa ni Erice.
Sa oras na mailaan umano ang Edsa bilang mass transport highway ay mas magiging mabilis ang mga ambulansya, pagbyahe ng mga mangagagwa at mababaqsan ang productivity loss dahil sa nararanasang matinding trapik.
144