“PRO-BUSINESS ORDER’ NG DOLE, PINABABAWI KAY BELLO

NANAWAGAN ang pinakamalaking organisasyon ng mga unyon at pederasyon ng mga manggagawang Filipino kay Labor Secretar Silvestre Bello III na bawiin ang Department of Labor and Employment (DOLE) Advisory No. 17 dahil sa labis-labis na panggigipit at paglublob sa mga manggagawa sa kahirapan.

Ang DOLE Advisory 17 ay inilabas ni Bello nitong Mayo 18 na nagsasabing maaaring mag-usap at magkasundo ang mga negosyante at manggagawa na bawasan ang kanilang suweldo at kaugnay na mga benepisyo sa loob ng anim na buwan upang makabawi ang mga kapitalista sa pagkalugi nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang operasyon ng mga negosyong “hindi esensiyal” habang kumakalat ang coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa kanilang kalatas, idiniin ng tagapangulo ng NAGKAISA Labor Coalition na si Atty. Jose Sonny Matula na ang nasabing utos ni Bello ay “highly disadvantageous to workers. Coming from a long ECQ (enhanced community quarantine), workers, especially those who are unorganized (no unions), may have no option except to follow the wishes of their employers.”

Iginiit ni Matula na ang utos ni Bello ay nagbibigay otoridad sa mga balasubas na mga negosyante na “takutin ang mga manggagawa na tatanggalin sa kumpanya o magsasara ang kumpanya kapag hindi pumayag na bawasan o liitan ang kanilang mga sahod at iba pang benepisyong nakaugnay sa sahod ng mga manggagawa.”

Sabi naman ni Allan Tanjusay, tagapagsalita ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), ang Labor Advisory ni Bello ay walang iba kundi “deliberate and calculated to expose employees to wider abusesin exchange for retaining employment by not just allowing lessened working hours through job-sharing and other flexible work schemes but also by giving license to employers and businesses to reduce at will the existing regional minimum wage rates and existing benefits including the negotiated wage rates and benefits agreed on through a Collective Bargaining Agreement (CBA) between employees and management.”

Ipinaliwanag pa ni Tanjusay na “The impact of the policy further harms the working people’s struggle for basic survival and hit workers already agonizing with the very real fear of risk of exposure to the COVID-19 disease. Workers are now reacting with deep-seated resentment and anger given the poorly implemented government response to pandemic lockdown crisis which left so many vulnerable and empty-handed.”

Ayon kay Matula, kumbinsido ang mahigit 40 unyon at pederasyon ng NAGKAISA na hindi na ibabalik ng mga negosyante ang kasalukuyang umiiral na sahod at mga benepisyong nakakabit dito ng bawat rehiyon pagkaraan ng anim na buwan.

Ang sahod ng mga manggagawa at kaakibat na mga benepisyo ay tinalakay at pinagkakasunduan taun-taon ng mga Regional Wage and Productivity Boards (RWPBs) ng DOLE. NELSON. S. BADILLA

191

Related posts

Leave a Comment