PROBLEMA SA BASURA NG CANADA ‘DI KAILANGAN SA UN

basura canada12

(NI BETH JULIAN)

NANINIWALA ang Malacanang na hindi na kailangan pa magpasaklolo ang Pilipinas sa United Nations hinggil sa isyu ng basura ng Canada.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi na kailangan ang UN para maging negosyador para apurahin ang Canada sa paghahakot ng kanilang basura na itinambak sa Pilipinas  mula sa taong 2013.

Ayon kay Panelo, simple lang naman ang dapat gawin ng Canada, dapat ay ipag-utos na lamang agad ni Canadian President Justin Tradeau na hakutin na ang tone toneladang basura mula sa kanilang bansa na ilang taon na ring nakaimbak sa bansa para matapos na ang problema.

Iginiit ni Panelo na dapat magpagtanto ng Canada na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte na maibalik agad sa kanilang bansa ang mga basura na ipinuslit papasok sa Pilipinas.

Ang mga basurang ito ay pawang mga used diapers, plastic bottles at iba.

224

Related posts

Leave a Comment