PROKLAMASYON SA MGA SENADOR, PARTYLIST INIHAHANDA NA

COMELEC12

(NI FRANCIS SORIANO)

GAGAWIN sa loob ng linggong ito ng Comission on Elections (Comelec) ang  proklamasyon ng mga nanalong party-list groups at senatorial candidates sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Director Frances Arabe, Comelec Information and Education Department (Comelec-IED), nagdesisyon ang Comelec en banc na hintayin na umabot sa 100 percent ang transmitted na COCs bago i-proklama ang mga nanalong  kandidato habang hinihintay pang pumasok ang lahat ng natitirang certificate of canvass (COCs) mula sa iba’t ibang lugar gaya ng US, Japan, Saudi Arabia, Isabela, at Zamboanga del Sur, dahil na-corrupt ang ilang SD card mula sa ilang overseas votes na naging sanhi ng delay.

Dagdag pa nito, kung masusunod ang schedule, sa umaga ang proclamation sa mga nanalong party-list groups at sa hapon naman ang mga nanalo sa pagka-senador.

Sa naturang proklamasyon ay inaasahan nilang makadadalo ang Pangulo upang saksihan ang naturang aktibidad.

 

147

Related posts

Leave a Comment