PROSESO NG GCTA IPINASUSUSPINDE NG DOJ

(NI HARVEY PEREZ)

IKINUKONSIDERA ni Justice Secretary Menardo Guevarra na suspendihin muna pansamantala ang pagproseso ng good conduct time allowance (GCTA) sa mga preso hanggang hindi nakakapagpalabas ng guidelines ang Bureau of Corrections (BuCor).

“Kung sakali man temporary lang ito, mas mabilis na  ang processing basta maayos at maliwanag ang guidelines,” ayon kay Guevarra.

Sinabi ni Guevarra na kinakailangan na maghintay ng kaunti dahil napakaraming convicts ang dapat na isailalim sa proseso ng GCTA.

“They really have to wait a little because of the large number of PDLs involved. Please note that GCTAs before and after 2013 are being processed. The retroactive effect given to the law suddenly created a deluge of GCTAs for recomputation,” ayon kay Guevarra.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya gusto na makasama ang pangalan ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez sa listahan ng mapasasama sa mga lalaya matapos ang ginawang recomputation ng sentensiya sa ilalim ng GCTA.

Tiniyak naman ni Guevarra na ginagawa lahat ng DOJ para maipatupad ang batas nang walang ibinibigay na konsiderasyon sa kahit na sino.

“Iginiit pa ni Guevarra na ginagawa lamang nila ang tama at legal.

224

Related posts

Leave a Comment