PROTEKSYON NG JOURNO NASA KAMAY NG SENADO

TANGING Senado na lamang ang hinihintay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para ganap nang maging batas ang Media Workers Welfare Act.

Sa nagkaisang pahayag ng mga miyembro ng media, isang panawagan ang paabot sa 24 na miyembro ng Senado – pagtuunan ng pansin at paglaanan ng panahon ang panukalang batas na magbibigay proteksyon at magsusulong sa kapakanan ng sektor na tinatawag na “Fourth Estate.”

Sa kaugnay na balita, pinasalamatan naman ng Presidential Task Force on Media Security ang Kamara para sa unanimous approval ng House Bill 454 (Media Workers Welfare Act) sa ikatlo at huling pagbasa kamakailan.

Sa ilalim ng HB 454, isinusulong ang antas ng kabuhayan, makatarungang sahod at hazard pay para sa mga peryodista, brodkaster at iba pang manggagawa sa mga media companies.

Bahagi rin ng naturang panukala ang kaligtasan at seguridad sa trabaho, kasama ang karagdagang insurance at mga benepisyo pang medikal.

Sa mahigit 250 kongresistang dumalo sa plenaryo ng Kamara, wala maski isang naitalang pagtutol. (JESSE KABEL RUIZ)

18

Related posts

Leave a Comment