PROTEKTOR NI QUIBOLOY PINAHAHABOL

NGAYONG hawak na ng Philippine National Police (PNP) si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy matapos ang 16 araw na paghahanap sa kanya, panahon na para habulin din ang mga nagtago sa kanya.

Ito ang hamon ng mga mambabatas sa Kamara matapos sumurender si Quiboloy nang bigyan ito ng 24-oras na ultimatum nang matunton ang gusali sa KOJC compound na pinagtataguan nito.

“We call for an investigation into his number one protector and all those who have enabled his evasion from justice. The rule of law must prevail, and no one should be above it,” ani House deputy minority leader France Castro.

“Dapat bantay-sarado tayo ngayon para tiyaking mananagot ang mga tulad ni Quiboloy. Additionally, dapat ding imbestigahan at panagutin ang mga tumulong sa pagtatago ni Quiboloy dahil wala pala sa ‘langit’ itong Appointed Son of God’,” ayon naman kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel.

Ganito rin ang panawagan ni Manila Rep. Rolando Valeriano sa Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil hindi aniya aabot ng 16 araw ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa KOJC compound sa Buhangin, Davao City kung walang nagtago rito.

Kasabay nito, inirekomenda ni Valeriano na patawan na ng buwis ang mga religious organization tulad ng KOJC.

Pinuri naman ng mga mambabatas ang PNP sa tagumpay nito matapos mapasuko si Quiboloy. (BERNARD TAGUINOD)

52

Related posts

Leave a Comment