PROTOCOLS SA APAYAO IN-UPDATE NG IATF

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Huwebes, ang testing at quarantine protocols para sa mga darating na international passengers sa lahat ng ports of entry ng Pilipinas na magmumula sa mga bansa, teritoryo, jurisdictions na hindi itinuturing bilang Red List country/territory/jurisdiction.

Ang bagong protocols na ito ay epektibo mula Biyernes, Disyembre 3, 2021.

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, para sa fully vaccinated individuals, required ang mga ito na magkaroon ng negative RT-PCR test na ginawa sa loob ng 72 oras bago pa ang departure mula sa bansang kanilang panggagalingan.

Sa pagdating sa Pilipinas, sasailalim ang mga ito sa facility-based quarantine na mayroong RT-PCR test na kinuha sa pang-5 araw kung saan ang petsa ng pagdating sa bansa ang magiging unang araw.

Kahit negatibo pa ang resulta, required pa rin ang mga ito na sumailalim sa home quarantine hanggang 14 na araw mula sa petsa ng kanilang pagdating.

Inatasan naman ang Department of Transportation na tiyakin na ang airlines ay magsasakay lamang ng mga pasahero na mayroong negative RT-PCR test-before-travel requirement. (CHRISTIAN DALE)

18

Related posts

Leave a Comment