PROTOCOLS SA MGA FULLY VACCINATED INILABAS NG IATF

0

NAGLABAS na ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng protocols para sa fully vaccinated individuals.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga fully vaccinated individual ay nabakunahan na ng dalawang linggo o higit dalawang linggo matapos na makatanggap ito ng second dose sa 2-dose vaccine; sa mga single dose vaccine naman ay kinakailangan na dalawang linggo o higit na dalawang linggo nang nabakunahan ang fully vaccinated individual pagkatapos niyang matanggap ang single-dose vaccine.

Pangalawa, ang fully vaccinated individual ay kinakailangang naturukan ng bakuna na nasa Emergency Use Authorization (EUA) List o Compassionate Special Permit (CSP) na ipinalabas ng Philippine Food and Drug Administration o Emergency Use Listing of the World Health Organization.

Samantala, patuloy na pinapayagan ang intrazonal movement ng fully vaccinated na senior citizens sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.

Ngunit, kailangan pa rin aniyang magpakita ng mga ito ng COVID-19 domestic vaccination card na inisyu ng lehitimong vaccinating establishment, o certificate of quarantine completion na nagpapakita ng kanilang vaccination status na inisyu naman ng Bureau of Quarantine.

Sa kabilang dako, pagdating naman sa interzonal travel na pinapayagan ayon sa pertinent resolution ng IATF at probisyon ng “Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines, as amended,” ang pagpapakita ng COVID-19 domestic vaccination card na nilagdaan at inisyu ng isang lehitimong vaccinating establishment, o certificate of quarantine completion na nagpapakita ng holder’s vaccination status na inisyu ng Bureau of Quarantine ay ‘sufficient alternatives” sa kahit na anomang testing requirement (before travel or upon arrival) na hinihingi ng lokal na pamahalaan.

“Uulitin ko po ha? Tama na po iyong certificate of vaccination at hindi na kinakailangang magpakita ng PCR,” ayon kay Sec. Roque.

Kung nagpositibo sa RT-PCR test o naging symptomatic ang isang indibidwal ay kinakailangan na sumunod sa testing at isolation protocols.

“Ito na po ang protocol at inaatasan ang Department of Health (DoH) at iba pang ahensya ng pamahalaan na amyendahan ang kanilang issuances ayon sa protocol na ito,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment