PROTOTYPE NG MODERN PUV INILABAS NA

(NI KEVIN COLLANTES)

INILABAS na ang prototype ng mga Class 1 modern public utility vehicles (PUV) na nagkakahalaga ng P998,000, Linggo ng umaga.

Ito’y sa ilalim ng PUV Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Sa ginanap na pagpupulong nitong Linggo sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at Toyota Motor Philippines Corp. (TMP), ipinakita ang prototype nang pinakaaabangan na Class 1 modern PUV sa ilalim ng Toyota Hilux brand.

Mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang sumipat at nanguna sa test run ng Toyota Hilux modern PUV, kasama ang ilang opisyal ng DOTr at TMP.

Ang Toyota Hilux Class 1 modern PUV ang magiging pambato ng TMPI para sa isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno.

Ito ay isang 12-seater, Euro 4, Hilux 2WD na may CCTV, GPS, wi-fi, AFCS, Dashcam, at PWD-Friendly ang mismong passenger cabin. Ang buong unit ay naka-aircon din, at maluwag at komportable ang legroom para sa mismong driver. Pasok sa PUVMP requirements, ng DOTr Omnibus Franchise Guidelines (OFG) at ng DTI ang nasabing unit.

Ayon sa DOTr, higit sa lahat, ang mga units ay nagkakahalaga lamang ng mas mababa sa isang milyon, o P998,000.

“Modernization is not expensive, provided that you make the right choice. There is always a cheaper alternative,” ani Secretary Tugade

Para naman sa TMP,  malugod nilang hinahandog ang Toyota Hilux Class 1 modern PUV at kumpiyansa sila na malaki ang kanilang maiaambag sa pagsulong ng DOTr ng PUVMP dahil dito sa Hilux modern PUV.

Ayon sa nakapanayam na mga TMP executives, tiwala sila sa kakayahan ng Toyota Hilux  na mabigyan ang mga driver, passengers  at mga operators ng safe, reliable  at abot kayang Class 1 na PUV. Subok sa buong mundo ang kalidad ng Hilux bilang isang comfortable, matibay at maaasahan na sasakyan.

Para namn kay Tugade, inaasahan nya na mailalabas kaagad ang mga units sa lalung madaling panahon, at malaki ang maitutulong ng Toyota upang tuluyang mapalawig ang PUVMP bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

370

Related posts

Leave a Comment