(NI DANG SAMSON-GARCIA)
PINAG-AARALAN ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon na magkaroon ng panukala na awtomatikong ia-update ng Philippine Statistics Authority ang kanilang mga record, partikular sa mga patay, sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).
Ito ay upang maiwasan na magamit pa sa iregularidad ang pangalan ng mga nasawi na makaraang lumitaw sa rekord na nasa 961 pang patay ang nakakuha pa ng claims.
“I’m thinking of law if necessarily the Philippine Statistics Authority automatically provides information by way of information technology. PSA must showup here in the next hearing we will ask them about that,” saad ni Gordon.
“So many anomalies in Philhealth. My uninitiated mind hungers for an explanation,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ng senador na dapat pag-aralang muli ang case rates ng ahensya dahil ito ang batayan ng halaga ng claims na maaaring makuha ng pasyente.
“When we steal from Philhealth, you don’t steal from the government alone, you steal from the most vulnerable,” paalala pa ni Gordon.
146