PUBLIC ADDRESS NI PDU30, IHAHAYAG SA LUNES

dutert100

NAKATAKDANG ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang desisyon kung babawiin, ie-extend o imo-modify ang iba’t ibang lockdown measures na ipinatutupad para mapigil ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) sa darating na Lunes, Hunyo 15.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na bagaman ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ay nakagawa na ng rekomendasyon ay hindi pa aniya ito pinal at nananatiling ‘subject to change.’

“Hindi po natin pangungunahan ang Presidente sa kanyang announcement and besides meron pa pong mga apela na mangyayari so ‘yung listahan po ay hindi pa final,” ayon kay Sec. Roque.

Ang Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Pangasinan, Albay, Western Visayas, Cebu City, Mandaue City, at Davao City ay kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) hanggang Hunyo 15.

Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng modified general community quarantine (MGCQ), ‘least strict form’ ng community quarantine na ipinatupad ng pamahalaan.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na ang Metro Manila na nakapagtala ng malaking bilang ng kaso ng COVID-19 infection ay may tsansa na maibaba sa ‘most lenient MGCQ’ o manatili sa ilalim ng GCQ. CHRISTIAN DALE

181

Related posts

Leave a Comment