(NI BERNARD TAGUINOD)
DAHIL hindi lahat ng mga public school teachers ay libre sa income tax, isinusulong ngayon ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na lahat ng mga ito ay ilibre na sa nasabing buwis.
Sa House Bill 4819 na inIakda ni Pangasinan Rep. Ramon Guico III, pinaamyendahan nito ang National Revenue Code of 1997 o Republic Act (RA) 8424 upang mailibre na sa income tax ang lahat ng mga public school teachers.
Sa ngayon ay tanging ang mga sumasahod Teacher 1 na Salary Grade (SG) o katumbas ng P20,754 lamang ang libre sa income tax matapos alisin ang buwis ito sa Republic Act (RA) 10963 o Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ang mga matataas sa mga Teacher 1 na lagpas sa P25,000 ang sahod ay sinisingil pa rin ng income tax kaya nais ng mambabatas na ilibre na rin ang mga ito sa nasabing buwis.
“Improving the lot of our teachers is not a one-time endeavor,” ani Guico kaya kahit ibigay ang hinihinging umento sa sahod ng mga public school teachers ay kailangang mailibre na ang mga ito sa nasabing buwis.
Kailangan aniyang maipasa ang nasabing panukala dahil maging ang mga Teacher 1 ay tiyak na magbabayad ng income tax kapag tumaas ang sahod ng mga ito dahil sa nakatakdang umento sa sahod ng mga government employees.
“Tax relief and the effective and efficient dispensation of the benefits due to them is preferable and by far, more manageable. A salary increase is in order if the government has the means to do so, but for now, we have to think of alternative solutions to address this glaring problem,” ayon pa sa mambabatas.
Sa ngayon ay hinihingi ng mga public school teachers na itaas sa P30,000 ang sahod ng isang Teacher 1 dahil hindi na umano sapat ang kanilang sinasahod sa gitna pataas na pataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo publiko.
Tinatrabaho na rin ng Kongreso ang Salary Standardizatio Law (SSL) 5 kung saan tataas ng 15% ang sahod ng lahat ng mga empleyado ng gobyerno kasama na ang mga public school teachers sa loob ng tatlong taon.
151