‘PUBLIC SCHOOLS LAGYAN NG SCREENED WINDOWS VS DENGUE’

recto33

(NI NOEL ABUEL)

KAILANGAN nang kumilos ang Department of Education (DepEd) para mabawasan ang bilang ng mga  estudyanteng kabataan na nadadapuan ng sakit na dengue na nakukuha sa lamok.

Ayon kay  Senate President Pro Tempore Ralph Recto, nababahala ito sa dumaraming bilang ng dengue cases sa unang bahagi ng 2019 na halos doble na ang bilang kung ikukumpara sa noong nakaraang taon.

Aniya, dapat nang ikonsidera ng DepEd na ang itatayong mga silid-aralan ay lalagyan ng screened windows upang hindi makapasok sa mga lamok na nambibiktima sa mga estudyante.

“Kung ayaw nating madapuan ng lamok ang ating mga anak sa bahay, dapat ganoon din sa mga paaralan. During school days, one in four Filipinos are in public schools,” ani Recto.

“If Filipinos congregate there, then we should make sure that mosquitoes don’t go to school with them. Hindi dapat naka-enrol si Aedes Aegypti, o kung nandoon man, dapat i-expel,” sabi pa ng senador na tinukoy ang lamok na nagdadala ng dengue virus.

Sinabi pa ni Recto na mula Enero hanggang Hunyo ay nasa 98,179 ang nadapuan ng dengue virus na mas mataas kung ikukumpara sa 53,475 na naitala ng Department of Health (DoH) noong nakalipas na taon.

 

134

Related posts

Leave a Comment