PUBLIKO PINAG-IINGAT SA PLASTIC BALLOON

fda12

(NI ROSE PULGAR)

INABISUHAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko lalo na ang mga magulang na mag-ingat sa pagbili ng unnotified Toy and Child Care Article products, para sa kanilang mga anak.

Ayon sa FDA, kabilang dito ang mga sumusunod na pawang plastic balloons  J.H. Toy Lasting Friend Space Balloon, Magic Balloon, Zestar Plastic Balloon size 11 at  Zestar Plastic Balloon size 7.

Base sa isinagawang post-marketing surveillance activity ng FDA, lumabas na ang mga nabanggit na plastic balloons ay hindi dumaan sa tinatawag na notification process at hindi rin napagkalooban ng proper marketing authorization.

Alinsunod sa Republic Act No. 9711 o “Food and Drug Administration Act of 2009,” mahigpit na ipinagbabawal ng ahensya ang paggawa, importasyon, eksportasyon, pagtitinda o kahit promosyon ng mga nabanggit na unnotified Toy and Child Care Article products.

Binigyang-diin ng FDA na dahil ang mga ito ay walang certification at hindi nabigyan ng permit, hindi matitiyak ang kaligtasan nang sinumang gagamit nito, lalo na ang mga bata.

Kaya’t pinayuhan ng FDA ang publiko at mga magulang na iwasan makabili nang mga ganitong produkto para makaiwas sa disgrasya.

 

 

137

Related posts

Leave a Comment