PUBLIKO PINAGHINAY-HINAY SA PAGGAMIT NG KURYENTE

HINIKAYAT ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang publiko na maging “extra conscious” sa paggamit ng kuryente ngayong holiday season, lalo pa’t mayroong napipintong preventive maintenance schedule ng isa sa generating plants ng Panay Energy Development Corporation (PEDC) ng Global Business Power Corporation (GBP) ngayong buwan.

Sinabi naman ni Reagahn Alcantara, lead specialist ng government relations and regional affairs division ng Public Relations Department ng NGCP, sakali’t itulak ng PEDC ang pagsasara, magkakaroon aniya ng full dispatch ng lahat ng ibang power plants, kabilang na ang utilisasyon ng 180 megawatts capacity submarine cable sa pagitan ng Negros at Panay.

Nagbabala ito na maaaring pilitin ang pagsasagawa ng rotational brownouts o manual load droppings kapag ang power supply ay kinapos habang tumaas naman ang demand.

“That is allocated per distribution utility or cooperatives. Usually, it occurs during peak times. So, there is an allocation based on the contracting capacity of each distribution utility,” ayon kay Alcantara.

Matatandaang makikita sa data na iprinisinta ng NGCP sa isinagawang Power 101 briefing nito lamang nakalipas na Oktubre kung saan makikita ang afternoon peak demand ng Panay Island ay 486 megawatts (MW) at 453 MW sa gabi habang ang generating capacity ay maaaring umabot sa 611. 5 megawatts.

(CHRISTIAN DALE)

131

Related posts

Leave a Comment