NANGANGANIB masibak sa tungkulin ang mga pulis na suma-sideline bilang aide ng mga politiko, ayon kay Philippine National Police Chief (PNP) Gen. Oscar Albayalde.
Ito ay babala ni Albayalde, isang araw matapos ang simula ng campaign period ng lokal na antas kasabay ng paggiit na kailangang manatiling walang kinikilingan ang kanyang mga tauhan o hindi dapat makisawsaw sa politika.
Sinabi ni Albayalde na batid na ang ganitong kautusan ng mga tauhan ng PNP ngunit kung magpupumilit ang mga ito sa pag-sideline ay posibleng ipataw ang pagsibak sa mga ito. Tiniyak din ng PNP chief na haharap sila sa kasong administratibo na ikasisibak nila sa tungkulin.
Isang police officer na umano na may ranggong master sergeant na nagbibigay proteksiyon sa seguridad ng isang politiko sa Norte ang nasampolan. Hindi nito binanggit ang politiko ngunit sinibak na umano ang pulis at iniimbestigahan ngayon.
96