MALABONG maging dahilan ng pagtaas ng pump prices sa Pilipinas ang desisyon ng Saudi Arabia at iba pang miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na tapyasan ang oil production.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa press briefing sa Malakanyang na tila isang “defensive strategy” mula sa oil-producing countries ang bagay na ito dahil ang oversupply ay maaaring maging daan para sa pagbaba ng presyo ng langis, idagdag pa na habang ang presyo ng langis ay hindi tumataas, maaari rin ang mga ito na mapigilan bumaba.
Sinabi pa nito na mayroong epekto sa presyo ng goods kung ang presyo ng langis ay tataas.
“May impact ‘yan syempre kapag tumaas ang price ng oil pero ang tingin ko nga, baka hindi naman magresulta ng pagtaas overall pero mame-maintain lang where it is para hindi na bumaba,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)
