PUREFOODS TINIYAK NA LIGTAS SA ASF ANG MEAT PRODUCTS

(NI ROSE PULGAR)

TINIYAK ng pamunuan ng Purefoods na may certification sa Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang mga prinosesong meat products at ligtas sa African Swine Fever (ASF).

Sinabi ng Purefoods, ang kanilang processed meat products tulad ng hotdog at ham ay siguradong ligtas sa ASF.

Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ng Purefoods na sa matagal na panahon ay kalidad na food products ang kanilang ibinibigay sa publiko.

Ayon pa sa kumpaya, nasa “highest standard” ang kanilang mga produkto gaya ng hotdog, ham at mga de lata.

Bukod pa dito anila , aprubado ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang kanilang mga produkto kayat tinitiyak nilang ligtas ito sa ASF.

Nabatid na ang Purefoods products ay gawa ng San Miguel Foods na nagsabing niluto ang kanilang Tender Juicy Hotdog at Fiesta Ham sa mataas na temperatura patunay na ligtas ito laban sa mapaminsalang organismo.

164

Related posts

Leave a Comment