PINALAGAN ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang panawagan ni Senador Grace Poe na suspendihin muna ang pagpapatupad ng public utility vehicle (PUV) modernization program sa gitna ng sinasabing korupsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang katwiran ni Balisacan, hindi dapat maapektuhan ang modernization program ng kamakailan lamang na alegasyon ng korapsyon na kinasasangkutan ng mga awtoridad ng ahensya.
“The program “should proceed” if the issues raised do not directly concern the program. If there are problems, they should deal with those issues directly but don’t hostage the entire government. Kung wala naman issue dun , why do we stop?” ayon sa Kalihim.
Aniya pa, ang mga NEDA-approved infrastructure projects ay nasa iba’t ibang stages na, idagdag pa na ang mga nasa ilalim ng implementasyon ay “well-identified.”
Sinabi pa ni Balisacan na dahil sa “infrastructure deficits” sa iba’t ibang panig ng bansa, nahihirapan ang gobyerno na makapanghikayat ng foreign investors dahil maaaring maging mahal ang halaga ng kalakal.
Kamakailan ay isiniwalat ni Jeff Tumbado, executive assistant ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III, ang di umano’y corruption practices sa ahensya.
(CHRISTIAN DALE)
159