Q3 NAT’L QUAKE DRILL BALIK IN-PERSON

INANUNSYO ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagbabalik ng face-to-face activities para sa 3rd quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na nakatakda sa Setyembre 8.

Ito ang kauna-unahang physical drill at functional activities simula nang sumipa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic noong Marso 2020.

“Matapos ang mga nagdaang online NSED dulot ng pandemya, ngayong third quarter ng taon ay muli nang ibinabalik ang pagsasagawa ng physical drill at functional exercise,” ayon sa Facebook post ng OCD, Miyerkoles ng gabi.

Gayunman, pinaalalahanan ng OCD ang publiko at lahat ng magpapartisipa na patuloy sumunod sa lahat ng umiiral na minimum health standards upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment