QC, NANANATILING MATAAS ANG KASO NG COVID-19

QC HALL

MATAAS pa rin ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City, base sa pinakahuling ulat mula sa pamahalaang lungsod.

Sa ulat mula sa Department of Health (DOH), hanggang alas-7 ng gabi kahapon, nasa 1,518 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa naturang bilang, ang may kumpletong address sa Quezon City ay 1,397. Ang validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit and District Health Offices ay 1,156.

Base naman sa recoveries, may 12 nadagdag sa bilang ng mga gumaling kaya may kabuuan na itong 337 habang dalawa ang nadagdag sa mga nasawi.

Samantala, sa anim na distrito ng lungsod na may pinakamaraming namatay ay nangunguna ang District 4 na may 37 ang bilang.

Nakapagtala sila ng kabuuang 298 kaso ng kumpirmadong COVID-19 at ang mga nakarekober ay 190.

Pumangalawa ang District 1 na may 24 namatay at 220 ang kabuuang kaso habang ang nakarekober ay 131.

Pangatlo ang District 3 na may 23 namatay, 201 ang kumpirmadong kaso at ang nakarekober ay nasa 115.

Sa District 6 naman ay 20 na ang namatay, 121 ang nakarekober at 203 ang kabuuang kumpirmadong kaso. Habang sa District 5 ay 15 ang namatay at ang kabuuang kumpirmadong kaso ay 104, 64 ang nakarekober.

Sa District 2 ay nakapagtala ng 15 namatay, kumpirmadong kaso ay 130 at may nakarekober na 64. JOEL O. AMONGO

66

Related posts

Leave a Comment