QUEZON NIYANIG NG 5.5 LINDOL

(NI KIKO CUETO)

NIYANIG ng magnitude 5.5 na lindol ang bahagi ng Burdeos sa lalawigan ng Quezonm ngayong alas-4:28 ng hapon.

Naramdaman ito hanggang sa Metro Manila na siyang nagdulot ng takot sa ilang mga residente.

Tectonic ang origin ng lindol, na may lalim na 10 kilometers.

Ramdam ang intensity 4 sa Jose Panganiban, Camarines Norte; at sa Quezon City.

Intensity 3 naman sa Guinayangan, Quezon.

Ramdam naman ang instrumental intensity 3 sa Quezon City at Tagaytay City.

Inaasahan ang aftershocks, ayon pa sa NDRRMC.

 

79

Related posts

Leave a Comment