RAIL OPERATIONS BALIK NA SA LUNES

lrt12

BALIK-operasyon na ang lahat ng rail operations subalit may limitadong kapasidad simula Hunyo 1.

Ang nasabing petsa, ang unang araw ng general community quarantine sa Metro Manila.

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na ang LRT at MRT trains ay papayagan lamang sa 10% hanggang 12% ng passenger capacity, habang ang Philippine National Railways’ trains ay magbibyahe naman ng 35% passenger capacity per trip.

“Kung tayo’y mag-transition from MECQ to GCQ, on the first day we can already put into operation our train and railways,” ayon kay Sec. Tugade.

“Namarkahan na ‘yong bawat upuan, bawat handrail, ticket booth, queing, nakahanda na ho ito,” aniya pa rin sabay sabing “‘Pag sinabing Lunes, handa ho kami sa Lunes bagamat sasabihin kong ‘wag i-expect ang operation ay 100 percent.”

“While the mandate of the DOTr is to provide transport mobility among its population, it is now vested with the responsibility to help in preventing the spread of COVID-19,” ang pahayag ni Sec. Tugade. CHRISTIAN DALE

55

Related posts

Leave a Comment