RAPID TESTING NG PRC PALALAKASIN PA

INIHAYAG ni Senador Richard Gordon na palalakasin pa ng Philippine Red Cross ang rapid testing sa corona virus 2019 (COVID-19) sa lahat upang madali nang makabalik sa trabaho ang mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay sanhi ng lockdown.

Sa pahayag, sinabi ni Gordon na kapag napataas at napabilis ang pagsasagawa ng rapid testing sa mamamayan, malaki ang posibilidad na mas mabilis makabalik sa trabaho ang manggagawa.

Sa ngayon, umabot sa 17.7 porsiyento ang unemployment rate sa bansa sanhi ng COVID-19 pandemic – pinakamataas sa lahat ng panahon na nilampasan ang 10.3% unemployment rate noong 1998 recession sa Pilipinas.

Ipinalabas ni Gordon ang statement matapos inspeksiyunin ang kabubukas na molecular laboratory sa PRC Logistics and Training Center sa Subic, isa sa dalawang laboratory na pinasinayaan ng PRC sa labas ng Metro Manila nitong Biyernes.

“I emphasize this – the logic behind the testing is that we can separate the people who are sick from the people who are not sick so they won’t contaminate. But the more important reason is – if we are able to do that, we can get our jobs back faster. Bagsak na ang ekonomiya natin, kailangan ma-test natin sila agad para makapagtrabaho na sila ulit,” aniya.

Tinukoy ni Gordon, chairman ng PRC, ang mga pabrika sa loob ng Subic, isa sa investment hubs ng Pilipinas, na kapag nasuri ang kanilang mga empleyado ay maaari na silang magbukas.

Sinabi ni Gordon na kapag walang testing, mahihirapan silang makabalik ulit sa trabaho at pigilan silang sumandal sa government dole outs. ESTONG REYES

65

Related posts

Leave a Comment