‘RECORD HIGH’ SA COVID-19, NAITALA NG DOH NGAYONG ARAW

MATAAS na bilang ng tinamaan ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health ngayong araw.

Batay sa case bulletin ng DOH, 539 ang naitala nila na bagong kaso kaya umakyat na sa 15,588 ang kabuuan ng confirmed COVID-19 cases sa bansa.

Mas mataas lang ang numero ng isa mula sa 538 na naitala noong March 31.

Sa bilang na 539, 330 ang mula sa National Capital Region. May tig-55 namang naitala sa Central Visayas at mula sa mga repatriated OFWs habang 99 ang mula sa iba’t ibang rehiyon.

May 11,069 na active cases mula sa higit 15,000 na total.

Ang bilang naman ng recoveries ay nasa 3,598 dahil sa 92 na bagong gumaling. Pero ang total deaths ay umakyat pa sa 921 dulot ng nadagdag na 17 namatay. D. ANIN

69

Related posts

Leave a Comment