RECTO: 15-M PINOY GUTOM HANGGANG 2022

recto33

(NI NOEL ABUEL)

SA kabila ng pagsasaayos ni Pangulong Rodrigo Duterte na maiahon sa kagutuman ang maraming mahihirap na Filipino ay hindi pa rin ito matutupad hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.

Ito ang sinabi ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto kung saan pagsapit umano ng 2022 ay aabot na sa 15 milyong Filipino ang masasadlak sa kahirapan.

“Of all the challenges the President had laid out, the hardest is the liberation of 6 million of our countrymen from poverty. This is the Six Million Challenge that confronts us all. It is the overarching Priority No. 1. It is the most demanding because it means 2 million of our countrymen must graduate from dehumanizing existence every year, if the objective is to uplift them within the next three years,” sabi ni Recto.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Senador Sonny Angara na sang-ayon ito kay Pangulong Duterte na talamal pa rin  ang kurapsyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

“Okay naman ‘yung mga hugot lines ng Presidente lalu na ang tungkol sa corruption. Tulad niya, frustrated na din tayo sa patuloy na corruption sa gobyerno,” aniya.

Nagpasalamat naman si Angara na binanggit ni Pangulong Duterte ang pagtaas sa sweldo ng mga guro na matagal nang hinihintay na maipasa.

 

198

Related posts

Leave a Comment