(NI NICK ECHEVARRIA)
SINIMULAN nang ipakalat ng Philippine National Police (PNP) ang red teams mula sa Counter Intelligence Task Force (CITF) para bantayan ang mga kandidato at kanilang mga security na hindi lalabag sa mga alituntunin ng eleksiyon.
Partikular na babantayan ng red teams ng CITF ang security escorts ng mga politiko at mga pulis na nakatalaga bilang mga VIP protectors para tiyakin na hindi lalabag ang mga ito sa election gun ban.
Muling ipinaalala ni PNP Chief General Oscar Albayalde na kailangang may permiso ng PNP ang mga ang nakatalagang security ng mga ito, lisensyado at may permit mula sa Comelec ang mga dalang baril.
Ginawa ni Albayalde ang pahayag kasunod ng pag-prisinta sa 1,257 mga ilegal na baril na nakumpiska ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOCIA) mula sa mga security guards at sa mga agencies nito na walang kaukulang lisensya.
Nauna nang nagbabala ang hepe ng pambansang pulisya sa mga bobotong politiko na bawal magsama ng kanilang mga security escorts sa loob ng mga polling precinct.
Simula nang ipatupad ang Comelec gun ban mahigit nang 5,000 loose firearms ang nakumpiska ng PNP.
141