REFUND NG MERALCO SA CONSUMERS UMPISA NGAYONG SEPT

meralco121

(NI KEVIN COLLANTES)

SISIMULAN na ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ang pagkakaloob ng refund sa kanilang mga kostumer, na may kaugnayan sa miscalculations sa net settlement surplus (NSS) allocations, mula Hunyo 2018 hanggang May 2019.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, sisimulan na nila ang monthly distribution ng refund, na umaabot sa kabuuang P1.08 bilyon.

“Hihintayin namin ‘yung billings coming from PEMC (Philippine Electricity Market Corporation), ‘yung operator ng wholesale electricity spot market, kung anuman ‘yung maging net settlement surplus amount na ‘yan,” ani Zaldarriaga, sa panayam sa telebisyon.

“It could be more than four centavos (a month) because we have directed an accelerated processing,” ayon naman kay  Energy Regulatory Commission (ERC) Spokesperson Rexie Di.

“So ‘yung mga may ibabalik, kung maibabalik ng mas mabilis, kailangan mairefund din ‘yon at the same time.”

Nabatid na nag-isyu ang ERC ng show-cause order sa PEMC, na kasalukuyan pang nag-iimbestiga hinggil sa pinag-ugatan ng naturang miscalculations, na unang napaulat na dulot umano ng maling aplikasyon ng formula sa kanilang software.

126

Related posts

Leave a Comment