REGIONAL HOSPITALS DAPAT GAWING TESTING CENTERS

NGAYONG naghahanda ang gobyerno sa mass testing para malaman kung sino-sino ang positibo sa coronavirus disease 2019, iginiit ng isang mambabatas sa Department of Health (DOH) na gawing testing centers ang mga regional hospital.

Ginawa ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma II ang nasabing mungkahi upang hindi maghintay nang matagal ang mga taga probinsya lalo na sa Mindanao na malaman kung sino-sino sa kanila ang nagtataglay ng COVID-19.

Ayon sa mambabatas, sa buong Mindanao ay ang Southern Medical Center sa Davao City lamang umano ang kinikilala at accredited ng World Health Organization (WHO) na pasilidad para sa laboratory test sa COVID-19.

“More testing laboratories and testing kits would mean faster identification, isolation of infected individuals and better chances of defeating COVID-19,” ani Palma.

Kailangang madagdagan ang mga testing center sa Mindanao dahil kung aasa lang sa isang testing center sa buong rehiyon ay mahihirapan umano ang gobyerno na matukoyagad ang mga positibo sa COVID-19.

Simula sa ikalawang linggo ng Abril, isasagawa na ang mass testing kung saan target umano ng DOH na makapagsuri ng 10,000 tao o higit pa kada araw.

Dapat umanong isabay sa Metro Manila ang mga lalawigan para matiyak na makuha ang totoong datos ng mga apektado ng COVID-19 at maiwasang maikalat pa ito sa iba. BERNARD TAGUINOD

67

Related posts

Leave a Comment