REHABILITASYON NG MGA RILES, SAGOT SA MATINDING TRAFFIC

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

INIREKOMENDA ni Senador Sonny Angara ang pagpapalawak at rehabilitasyon ng railways systems upang malunasan ang matinding pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila.

Nangako rin ang chairman ng Senate Committee on Finance na maghahanap ng mga paraan upang masuportahan ang mga programa ng Department of Transportation (DOTr), hindi lamang ang mga long-term, kundi maging short at medium term para sa commuters, motorists at sa buong ekonomiya.

Sinabi ni Angara na maraming oras ang nasasayang sa mahabang pila ng mga commuter sa MRT at mga bus sa pagpasok sa kanilang trabaho at paaralan.

Marami na anyang proyekto ang gobyerno kabilang na ang rehabilitasyon ng MRT-3, pagbuhay sa Philippine National Rail (PNR) trains at development ng subway system.

Gayunman, aminado ang DOTR na sadyang mahirap ang rehabilitasyon ng mga riles kaya’t inirekomenda ni Angara na magkaroon ng rebooting sa mga programa.

Pero malawak naman anya ang dahilan upang maging positibo ang mga commuters at motorista sa mga short and medium term.

Magsisimula na anya ang first phase ng Metro Manila subway system sa Nobyembre at sa sandaling makumpleto ay kokonekta ito sa Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.

Isasailalim din sa rehabilitasyon ang MRT3 sa EDSA upang mas maging mabilis ang biyahe ng mga tren.

Mas marami namang commuter ang matutulungan ng LRT-1 extension hanggang Cavite gayundin ang PNR mula Manila hanggang Batangas at Sorsogon.

158

Related posts

Leave a Comment