REKLAMO VS EX-FDA CHIEF IBINUNYAG NG PALASYO

puno12

(NI BETH JULIAN)

IBINUNYAG na ng Malacanang ang iba’t ibang reklamong tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay dating Food And Drug Administration director general Nela Charade Puno.

Sa pahayag ni Presidential Secretary Salvador Panelo, tinanggap na ng Pangulo ang isang liham mula  sa Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) kung saan nakasaad na pinapurihan ang pagsibak kay Puno.

“We fully support your resolute actions at the FDA, including the replacement of its director general, for us to effectively and efficiently conduct commerce that is consistent with your agenda of increasing competitiveness and ease of doing business to fuel human capital and economic development,” nakasaad sa liham ni PHAP executive director Teodoro Padilla kay Duterte na may petsang May 17.

“The President also wants to share to the public that he has received numerous, as in numerous complaints from doctors, including his own doctor about the former director general (Puno), and many complaints from other sectors,” pahayag ni Panelo.

Una nang pinabulaanan ni Puno na korapsyon ang dahilan ng kanyang pagkakatanggal at sinabing ito ay “clear attack” laban sa kanya.

Ayon kay Panelo, ang lahat ng dokumento ng Commission on Audit (CoA) ay ipapasa sa Department of Justice (DoJ) para ma-review at makapagsampa ng kaso laban kay Puno.

 

 

273

Related posts

Leave a Comment