RELIEF GOODS, DONASYON SA KALAMIDAD TATANGGALAN NG TAX

(NI BERNARD TAGUINOD)

ILILIBRE na sa buwis ang mga donasyon ng ibang bansa, pera man o relief goods sa mga biktima ng kalamidad sa ilalim ng Department of Disaster Resilience.

Ito ay matapos aprubahan ng House committee on ways and means ang mga panukalang batas na ilibre sa buwis ang mga donasyon mula sa ibang bansa at bigyan ng insentibo ang Filipino na tutulong sa mga mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyo at lindol.

Walang tumutol nang isalang sa nasabing komite na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda ang nasabing panukala na iniakda ni Tingog  party-list Rep. Yedda Romualdez.

“The declaration of a state of calamity shall allow the immediate implementation of any or all of the following remedial measures: [c] grant of tax credits or exemptions by the BIR, upon the recommendation of the President or the Department,” ayon sa inaprubahang panukala.

Dahil dito, lahat ng donasyon mula sa ibang bansa lalo na ang mga relief goods ay hindi na sisingilin ng mga buwis bago ilabas sa mga pantalan.

Samantala, tiniyak din ni Salceda na walang buwis na babayaran ang mga consumers sa paggamit ng tubig sa ilalim naman ng Department of Water Resource (DWR).

Sinabi ni Salceda na ang tanging buwis na sisingilin  sa mga concessionaires sa raw water kung saan ang malilikom na buwis ay  ilalagak sa National Water Trust Fund na itutulong naman sa may 800 munisipalidad na wala pang water district.

176

Related posts

Leave a Comment