RELIGIOUS GATHERINGS, HINDI PA RIN PINALUSOT NG IATF

NAGDESISYON ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na huwag munang paluwagin ang religious gatherings.

Ang desisyon, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay napagkasunduan sa pulong ng IATF.

“Sa ngayon po, hindi pa papayagan ang mass gathering for religious purposes,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Sa kasalukuyan, tanging limang katao ang maaaring dumalo sa religious gathering sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) habang 10 katao naman sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), ang nakasaad sa guidelines na ipinalabas ng pamahalaan.

Para naman sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), sinabi ni Sec. Roque na hindi pa nagdedesisyon ang gobyerno ukol sa maximum number ng mga taong papayagan na pumasok sa simbahan.

Sa kabilang dako, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang mga religious gathering ay papayagan sa mga lugar sa ilalim ng MGCQ, subalit tanging 50% ng kapasidad sa kahit saanmang venue.

Ayon sa Kalihim, ito ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases lalo pa’t maraming lugar sa bansa ang isinailalim sa MGCQ. CHRISTIAN DALE

75

Related posts

Leave a Comment